ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lola Tidora nag-trend sa social media matapos ma-miss ng AlDub nation


Wala man si Yaya Dub sa Kalyeserye ngayon dahil nag-bonding sila ni Isadora, nagbabalik naman ang isa pang kakambal ng D'Explorer sisters na si Lola Tidora matapos itong hindi mapanood sa Kalyeserye nang matagal na panahon.

Nagdiwang ang buong AlDub Nation dahil kumpleto na muli ang magkakapatid, kaya naman bukod sa official hashtag na #ALDUBUNTOLDStories, nag-trend din ang 'Tidora' sa social media ngayong araw kasabay ng pinakabagong episode ng Kalyeserye sa Eat Bulaga.

Bukod pa sa dalawang trend na ito, nakasama rin sa trending list sa Pilipinas ang mga katagang 'EAT BULAGA NA' at 'KALYESERYE NA.'









Sabay-sabay sinalubong muli ng AlDub Nation si Lola Tidora.

Gayunpaman, naging kabaha-bahala ang ending ng Kalyeserye ngayong Martes dahil nang tinawagan siya ni Lola Nidora, umiiyak umano ang dalaga at sinabing hindi na niya kaya.

Bago pa malaman ng lahat ang dahilan, tumunog na ang busina, hudyat ng pagtatapos ng Kalyeserye.

Abangan ang mga susunod na tagpo sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga, apat na araw bago ang nakatakdang 'Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon' sa darating na Sabado, October 24, sa Philippine Arena.





-Bianca Rose Dabu/NB, GMA News