ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Willie Revillame, hindi pinabayaan ang pamilya ng batang dahilan ng kaniyang kaso


Tahimik at maayos na raw ang buhay ng pamilya ng batang naging dahilan ng kasong child abuse laban sa TV host na si Willie Revillame.

Sa panayam ni Lhar Santiago para sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabi ng mga magulang ng bata na nagulat daw sila nang mabalitaan na buhay pa rin ang reklamong inihain ng Department of Social Welfare and Development laban kay Willie.

Ang reklamo ay nag-ugat sa dating programa ni Willie sa ibang TV network noong 2011 kung saan nagsayaw ang bata at umiyak.

"Medyo nakakagulat dahil ang akala namin okey na, tapos na ang lahat. Tapos yun pala may ganito na namang lumalabas na mga balita na ganyan na hindi maganda," anang ama ng bata.
 
Kamakailan lang ay nagpalabas ng desisyon ang Court of Appeals na kinakatigan ang desisyon ng mababang korte na arestuhin si Revillame kaugnay ng nasabing kaso.

Pero paliwanag ng abogado ni Willie, dati nang na-arraign at nakapagpiyansa sa kaso ang TV host kaya hindi na kailangan ang panibagong arrest warrant.
 
Ayon sa mga magulang ng bata, tahimik at maayos na ang kanilang buhay. Mayroon daw silang negosyo at hindi raw sila pinabayaan ni Willie.

Dalawang beses din daw nilang pinatingnan ang kanilang anak sa isang psychiatrist at normal naman daw ang bata. -- FRJ, GMA News