ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH: 'Suicide Squad' star Margot Robbie, bumisita sa Bohol
Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, nakumpirmang bumisita sa Bohol ang Australian actress na si Margot Robbie, na isa sa mga bida ng upcoming DC movie na Suicide Squad.
Sa kaniyang Instagram post na may nasaad na #bohol #philippines, makikita si Margot na naglambitin at nag-dive sa isang ilog.
Ang river cruise sa Loboc, Bohol ang isa sa mga paboritong gawin ng mga turistang nagtutungo sa lalawigan.
Bago nito, ilang netizens ang nagtatanong kung bumisita nga sa Bohol si Margot dahil sa larawan na lumabas na tila background ang Chocolate hills.
Hindi pa malinaw kung kailan nagpunta sa Bohol si Margot pero nakalagay sa kaniyang Instagram account na ipinost ang video nito lang Miyerkules (Philippine time).
-- Marisse Panaligan/FRJ, GMA News
Tags: margotrobbie, suicidesquad
More Videos
Most Popular