Record na 25.6M tweets ng #ALDubEBforLOVE, mabasag kaya sa 'EB: Sa Tamang Panahon'?
Dahil sa bayanihan, ilang beses nang binasag ng mga Kapuso, Eat Bulaga Dabarkads at AlDub Nation ang nalilikhang record sa dami ng tweets tungkol sa kalyeserye. At sa gaganaping "EB: Sa Tamang Panahon" show bukas, Sabado, mahigitan kaya ang 25.6 milyong tweets na naitala para sa #ALDubEBforLOVE?
Sa episode ng Eat Bulaga noong nakaraang September 26, naitala ng mga tagasuporta ng kalyeserye at love team nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza ang pinakamataas na record sa dami ng tweets para sa #ALDubEBforLOVE.
Bukod dito, ang iba pang hashtag na nakuha ng milyon-milyong tweets ay ang:
- #ALDUBMostAwaitedDate, 12.1 milyon,
- #ALDUBTheAbduction, mahigit 6 milyon,
- #ALDUBBATTELForACause , mahigit 5 milyon, at
- #ALDUBMaiDenHeaven, 3.5 milyon.
Sa pagtitipon bukas sa Philippine Arena para sa makabuluhang "EB: Sa Tamang Panahon," ilang netizens ang umaasa makapagtatala muli ng panibagong record ang bayanihan ng mga Kapuso, Eat Bulaga Dabarkads at AlDub Nation sa Twitter world.
Ang kikitain sa ticket sales sa naturang pagtatanghal ay gagamitin sa pagpapatayo ng mga AlDub library na ilalagay iba't ibang bahagi ng bansa.
Sa ngayon, wala pang opisyal na hashtag na inilalabas ang Aldub at kalyeserye followers na kanilang gagamitin upang i-tweet sa Sabado.
Try natin Yeonji | #ALDUBCountdown https://t.co/mc9xrPARaF
— OFC AD|MD NAVOTAS (@Ofcaldub_nav) October 23, 2015 to reach this we need at least user checker for tom surely there is pasaway will join us #ALDUBCountdown pic.twitter.com/BxVDOA57Cr
— reeve sydney (@reevesydney) October 23, 2015 "Freshness" and quote tweets are best combined with retweets. :) #ALDUBCountdown pic.twitter.com/cI1P0WmJbg
— REALTALK™?? (@DONsuratos) October 23, 2015 TIPS for BEASTMODE! •Better to QUOTE than RT •Add at least 3 words before HT #ALDUBCountdown (c: @DONsuratos) pic.twitter.com/dEsZR1Rtjh
— RT Scooper KRENG ♥? (@kricket_rc234) October 23, 2015-- FRJ, GMA News