Wally Bayola muling pinuri ng netizens dahil sa galing sa pag-arte at 'bilis magpalit'
Namangha ang mga nanonood sa "Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon" nitong Sabado nang magawa ni Wally Bayola na gampanan nang sunod-sunod sa loob ng ilang minuto ang tatlong karakter sa kalyeserye na sina Lola Nidora, Duhrizz at Rihanna.
Mula sa karakter na si Lola Nidora na mahilig magpayo, ilang saglit lang ay nakapagpalit na ito ng anyo para gampanan naman si Duhrizz, ang kontrabidang apo ni Lola Nidora.
Malakas na "no!," ang naging tugon ng mga nanonood sa Philippine Arena nang magtanong si Duhrizz kung mas bagay siya kay Alden kaysa kay Yaya Dub.
Matapos mag-sorry at magpaliwanag na nagawa niyang maging masama dahil sa pag-ibig kay Alden, umalis si Duhrizz at bigla namang sumulpot naman ang karakter ng mayordoma ni Lola Nidora na si Rihanna.
May ipinakita ring footage sa wide screen na sabay-sabay na nag-uusap at magkakasama ang nasabing tatlong karakter na ginampanan ni Wally.
Dahil sa ipinakitang bilis ni Wally na magpalit ng karakter at husay sa pag-arte, dumagsa ang papuri sa kaniya ng netizens.
Bukod sa may mga nagmungkahi na dapat mabigyan ng award si Wally, may nagtanong din kung triple kaya ang talent fee ng aktor dahil sa mga karakter na ginampanan niya.
Ang bilis magpalit! Woah! Duhrizz in the house featuring @FifthHarmony's "Worth It" #ALDubEBTamangPanahon
— The BEASTMODE Prince (@beastmodeprince) October 24, 2015 HANDS DOWN WALLY BAYOLA ???? #ALDubEBTamangPanahon
— Bob Ong (@BobOngQuotes) October 24, 2015 ONE MAN SHOW ANG PEG NI WALLY NGAYON AH! Saludo ang ALDUB NATION sa yo! #ALDubEBTamangPanahon
— ALDUB PHILIPPINES ™ (@ALDUBPILIPINAS) October 24, 2015 Wally the Best... Stage actor and versatile comedian... #ALDubEBTamangPanahon
— Pyhton Negro (@edgardocgabriel) October 24, 2015 "@MisterHugotero: Nandito na naman ang lightning-fast transformation ni Wally! I salute you, man! #ALDubEBTamangPanahon"
— Danica Nastor (@dandanicx) October 24, 2015 Wally Bayola deserves another award for all the hardwork! Sabi nga ni Babalu: Wow! RT if you guys agree! =) #ALDubEBTamangPanahon
— iamluiscarlos (@iamluiscarlos) October 24, 2015 Seriously, I salute wally :') ♥ #ALDubEBTamangPanahon
— BABY ♥? (@iaMAYzingg) October 24, 2015 Wally Bayola is truly the heart of this Kalyeserye. #ALDubEBTamangPanahon
— AngelOhCastro (@AngelOhCastro) October 24, 2015 Ang bilis magbihis ni wally sana ganyan din ako pag papasok ng school. Hahaha ???????? #ALDubEBTamangPanahon
— Krxs (@Krisxmartin) October 24, 2015 Duhrizz.. #ALDubEBTamangPanahon pic.twitter.com/OFLioG6LoQ
— MilleyBenavente (@BenaventeMilley) October 24, 2015 Namiss niyo ba si Duhrizz, mga Ka-tropa? #ALDUBForTNT #ALDubEBTamangPanahon pic.twitter.com/EZFE2XZfmE
— TNT (@TalkNText) October 24, 2015 Wally Bayola deserves all the awards in the world for his performance in Kalyeserye ???????????????? #ALDubEBTamangPanahon
— AyyTangaLangDre (@AyyTangaLangDre) October 24, 2015 three in one. ur the best wally. #ALDubEBTamangPanahon pic.twitter.com/l1cuEqxOOu
— AlDub*Kaye (@kayegs) October 24, 2015 RETWEET = YOU SALUTE THIS GUY! #ALDubEBTamangPanahon pic.twitter.com/7qaYYrAIMI
— feelings. (@wagtanga) October 24, 2015-- FRJ, GMA News