ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Scenes from AlDub's first photo shoot together


Ito na nga ang tamang panahon... para sa unang photo shoot ng AlDub na magkasama.
 
Ipinasilip ni AiAi de las Alas ang ilang eksena sa likod ng camera para sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na "My Bebe Love."
 
 

Tawa pa more arte arte lang hehehe.. Wohooooo buo na ang medalyon

A video posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 

Uyyyyyy sweet sila.... #mayfeelings hahahaha

A video posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 
 
Bago nito, ipinasilip ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes ang ilan sa mga behind-the-scenes photo nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa Metro Manila Film Festival 2015 entry.
 
 
 
 
 
 
 
 
Kitang-kita sa mga patikim na photos at footage mula sa photo shoot ang natural na chemistry nina Alden at Maine, na nag-usap at nagkakilala na matapos ang matagumpay na 'Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon' show nitong Sabado sa Philippine Arena.
 
Maging sa likod camera ay makikitang mabilis na naging malapit ang loob ng dalawa sa isa't isa.
 
Abangan ang 'My Bebe Love' ngayong Disyembre, at ang Kalyeserye sa 'Eat Bulaga' mula Lunes hanggang Sabado. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News