Gloria Romero, gumanap na 'Tiya Bebeng' na bumisita at nag-pabebe girl sa kalyeserye
Kasabay ng 16th weeksary ng AlDub, dumating na ang tiyahin nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora na si Tiya Bebeng, na ginampanan ng batikang aktres at itinuturing isa sa mga haligi ng Philippine showbiz na si Gloria Romero.
Gaya ng kaniyang tono sa ipinadalang sulat nitong Miyerkules, na naglalaman ng kaniyang mga paalala tulad ng pagbabawal sa pabebe at patakaran sa manliligaw, may pagkamasungit at mahigpit talaga si Tiya Bebeng sa personal.
Nang marinig niyang nililigawan ni Alden si Yaya Dub, agad na kumontra ang matanda at sinabing masyado pang bata ang dalaga.
Dumating ang Pambansang Bae upang sorpresahin si Yaya Dub para sa kanilang weeksary, at nakaharap niya si Tiya Bebeng.
Pinagdududahan ni Tiya Bebeng ang intensyon at katapatan ni Alden sa dalaga, lalo na nang nakita niyang guwapo ito at isa palang artista na maraming tagahanga hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Hindi rin daw sapat ang 16 linggo ng panunuyo ni Alden kay Yaya Dub upang patunayan ang pagmamahal niya rito at matiyak na bubuhayin at pagsisilbihan niya ang dalaga sa oras na maikasal sila.
Gayunpaman, nangako si Alden na kaya niyang maghintay at kakayanin niyang harapin ang lahat ng hamon upang mapatunayan niyang karapat-dapat siya para kay Yaya Dub.
KAYANG KAYA DAW NIYA BUHAYIN SI YAYA PAG NAGKATULUYAN SILA NI YAYA #ALDUB16thWeeksary pic.twitter.com/woeU1hxnsX
— ALDUB|MAIDEN MOSCOW (@maiden16_moscow) November 5, 2015
"Nangangako po ako na handa po akong maghintay at gagawin ko pong lahat dahil maganda po ang hangarin ko kay Yaya." Alden #ALDUB16thWeeksary
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 5, 2015
Nagpaalam rin sina Alden at Yaya Dub upang makapagkita sila sa Sabado at makasali sa “Bulaga Pa More: Gaya-Gaya Pa More” segment ng noontime show na Eat Bulaga.
Ayaw pang pumayag ni Tiya Bebeng, ngunit nag-beso sila ni Alden at napapayag na rin ang matanda.
Game na game si Tiya Bebeng na makisabay sa Pabebe Dubsmash ng mga Lola at ng AlDub, kaya naman naging masaya ang kabuuan ng 16th weeksary ng phenomenal loveteam.
Abangan ang pagsasama nina Alden at Yaya Dub bilang contestants ng “Bulaga Pa More: Gaya-Gaya Pa More” ngayong darating na Sabado sa Eat Bulaga.
Pabebe si Tya Bebeng #ALDUB16thWeeksary pic.twitter.com/8lm57i9XdU
— MaiDen Heaven Manda (@MDH_MANDALUYONG) November 5, 2015
ABANGAN nyo kung sino ang gagayahin nina Alden at Yaya DUB sa Bulaga Pa More, Gaya Gaya Pa More sa Sabado! #ALDUB16thWeeksary
— Eat Bulaga (@EatBulaga) November 5, 2015
-- FRJ, GMA News