ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sam Pinto, planong magdaos ng malaking bikini fashion show


Abala ngayon sa kaniyang bagong negosyo na bikini swimwear line ang two time FHM sexiest Pinay na si Sam Pinto.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing si Sam mismo ang modelo ng kaniyang line of bikinis na sa ngayon ay "on-line" pa lang muna.

Ang isang larawan ni Sam na nakabini habang nasa ilalim ng tubig na makikita sa kaniyang Instagram account, tumanggap ng paghanga sa kaniyang followers.

"Since I love the beach, why not make bikinis?  Katatapos lang ng first collection so nasa second collection na 'ko on designing," saad niya.

Marami raw plano si Sam sa kanyang negosyo at kabilang na rito ang pagdaraos ng isang malaking bikini fashion show kung saan rarampa siya kasama ng iba pang kaibigang celebrities.

"I might have a collection na sexy para of course for people na gustong magpa-sexy. And of course I'll have the ones na people can wear talaga to the beach," patuloy ni Sam.

LOOK: Beach babe Sam Pinto shows her curves under the sun

Kahit abala sa negosyo, hindi pa rin daw niya kakalimutan ang showbiz. Sobrang enjoy daw siya sa pag-aartista lalo na sa regular show nilang "Bubble Gang."

Nami-miss na rin daw ni Sam na ang pagkakaroon ng regular character sa gag show katulad ni "Neneng B" noon. Kaya daw nag-iisip siya ng karakter na puwede niyang gawin sa show. -- FRJ, GMA News

Tags: sampinto