ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Party ni Lola Nidora

Alden, binuhat at pinasan si Maine para manalo sa newspaper dance contest


Umapaw ang kilig at saya sa birthday party ni Lola Nidora nang buhatin at pasanin ni Alden Richards si Maine "Yaya Dub" Mendoza para manalo sa newspaper dance contest na naisipan ni Lola Tidora.  May pagkakataon din na halos magkayakap na ang dalawa.

Ang sistema ng newspaper dance contest, ilalatag hanggang sa pinakamaliit na tupi ang diyaryo at kailangang magkasya ang magpares sa loob nito.

Kaya naman kinailangan ni Alden na buhatin o kaya naman ay pasanin si Maine para magkasya sila sa loob ng pinakamaliit na pagkakatupi ng diyaryo kung saan sila naman ang nanalo.

May alinlangan man dahil masyadong magkalapit ang mga katawan ng AlDub, naunawaan naman ito ni Lola Nidora na bahagi ng selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Kabilang sa nakalaban ng Aldub ang mag-partner na sina Ryzza Mae at Baby Baste.

 

-- FRJ, GMA News

Tags: aldub, kalyeserye