Alden, ipinaglaban si Maine kay Lola Babah
Kabilang ang lola ni Alden Richards na si Lola Babah sa naging panauhin sa kaarawan ni Lola Nidora sa kalyeserye nitong Sabado. Sa unang pagkakataon, nakaharap ng personal ni Lola Babah si Maine "Yaya Dub" Mendoza na tila hindi niya gusto para sa apong si Alden.
Maliban kay Lola Babah, na ginampanan ni AiAi delas Alas, dumalo rin sa party ang kapatid nitong si Don Eduardo, na ginampanan naman ng batikang aktor na si Eddie Garcia, na kabilang sa mga bida ng bagong GMA primetime series na Little Nanay, kung saan kasama niya sina Kris Bernal at Nora Aunor.
STAR-STUDDED ANG BIRTHDAY NI @AKOSiLOLANiDORA! #ALDUBHappyBdayLOLA pic.twitter.com/xyuYoDhkqB
— ?α♥ g?σ?α? ƒ?ι?η∂?®™ (@KGFikawna) November 14, 2015
Nasa selebrasyon din ang ka-love team ni Lola Nidora na si Jimmy Santos, at ang kaniyang kumare na si Helen Gamboa, na kaagad nilapitan at kinaibigan ni Lola Babah.
Tulad nang unang makita niya si Yaya Dub via slip screen tv, hindi boto si Lola Babah sa dalaga na maliit umano at hindi pang-model ang dating. Kaya hindi raw niya maunawaan kung bakit nagustuhan ng kaniyang apong si Alden si Yaya.
Pero todo pagtatanggol naman ang ginawa ni Alden kay Yaya Dub at sinabi nitong gusto niya ang lahat sa dalaga kahit pinapapangit nito ang hitsura.
Kasabay nito, ipinaliwanag naman ni Lola Nidora na bukas naman ang kaarawan ng kapatid niyang si Lola Tinidora, at sa susunod na araw naman ang kaarawan ni Tidora.
Kapuso, huwag n'yong sayangin ang pagkakataon na maipadama sa inyong mga mahal sa buhay ang init ng inyong pagmamahal! ...
Posted by GMA News on Friday, November 13, 2015
Ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga kasama sa buhay ang leksyon na ibinahagi ni Lola Nidora. Aniya, dapat araw-araw na ipinapakita at sinasabi ng bawat isa kung gaano natin kamahal ang isang tao at hindi lang tuwing may okasyon.
Kaya naman binati ni Lola Nidora ng "AlDub You" ang lahat.
Minsahe ni @RealLolaNidora @EatBulaga @aldenrichards02 dapat tandaan #ALDUBHappyBdayLOLA @maiden16_cali pic.twitter.com/WPpJ6XCBA6
— GerZyl (@ethel_galli) November 14, 2015
Kasabay nito, bilang ganti ni Lola Babah sa pagpayag ni Lola Nidora na bigyan ng palugit si Alden sa paghahanap sa singsing, binigyan din niya ng palugit si Lola Nidora sa pagbabayad ng utang na aabot sa P20 milyon upang hindi mailit ang mansyon.
Plano rin ni Lola Babah na bayaran na rin lang niya ang nawawalang singsing ni Alden kaya tinanong niya kung magkano ang halaga nito.
Dito sinabi ni Lola Nidora na ang halaga ng singsing ay P21 milyon, na sinundan na ng busina na hudyat ng pagkakabitin ng kalyeserye. -- FRJ, GMA News