Ina Raymundo takes hip-hop dance classess
Pinatunayan ng “Marimar” star na si Ina Raymundo na hindi pa huli para sa kaniya ang pagkuha ng hip-hop dance class kahit 40-anyos na siya.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng aktres sa kaniyang followers ang pag-enroll niya sa hip-hop class sa Academy of Rock Philippines kasama ang kaniyang mga anak.
Nag-post din siya ng ilang video ng unang araw niya ng pagsasanay sa naturang uri ng sayaw.
Aniya, “Took my first hip-hop lesson @academyofrockph. I'm turning 40 very soon and I suppose I should be taking up ballroom dancing, but I chose hip-hop coz it's swag. I know I have a lot to learn but I can't wait to get better!”
“When I was single (in my 20's), I only wanted to dance jazz or ballroom. I never fancied Hiphop, but it's now my favorite. Your taste (in everything) does change over the years. Oo na, tumatanda akong paurong,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang bumibida si Ina sa ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican teleserye na “Marimar,” at nitong Nobyembre ay naging tampok siya sa cover ng men's magazine na FHM sa kauna-unahang pagkakataon.
A video posted by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on
-- Bianca Rose Dabu/ FRJ, GMA News