ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dabarkads, netizens, naaliw sa interpreter ni Lola Nidora na si Vladi Mir


Hindi inaasahan nina Lola Nidora at Tidora ang pagbisita sa kanila sa barangay ni Cindy the Russian model. Para magkaintindihan sila, kumuha ng interpreter si Lola Nidora na nagngangalang Vladi Mir.

Wala sa kalyeserye nitong Biyernes si Yaya Dub dahil nalulungkot daw ito nang malaman na totoo na ipakakasal ni Lala Babah si Alden kay Cindy.

Habang wala si Yaya Dub, bigla namang dumating si Cindy sa barangay para makilala raw niya si Yaya Dub at ang mga lola. Naging magalang at magiliw naman ang Russian beauty at nagdala pa ng regalo sa mga lola.

 

 

Tila nakuha naman niya ang loob ni Lola Nidora at nakipagkuwentuhan pa ito. Para lalo silang magkaintindihan, tinawag ni lola si Vladi Mir, ang kaniyang interpreter na nagdagdag ng saya sa kalyeserye.

Sa halip kasi na malinawan kung ano ang sinasabi ni Cindy, biglang napahilamos ng mukha si Vladi Mir at umaming hindi niya rin maintindihan ang dayuhang model.

Gayunman, naputol na ang eksena nitong Biyernes nang dumating ang sulat ni Lola Babah para kay Lola Nidora. Iniimbitahan sila sa isang masarap na pananghalian sa Sabado at hindi malinaw kung ano ang magaganap.

Mangyari kaya ang kasalang AlDy o Alden-Cindy bukas? Ilitin na kaya ni Lola Babah ang mansyon ni Lola Nidora? O papayag na itong bilhin na lang ang nawawalang singsing sa halagang P21 milyon? Abangan.

 

 

Ayan kumuha na ng interpreter: Bloody-Mir! Kayo ang bagay ni Cindy! Cin-Mir #ALDUBFixedMarriage

 

-- FRJ, GMA News