ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Joey Marquez, nagbigay ng saloobin sa mga puna sa kaniyang ex-wife na si Alma Moreno



Kahit matagal na silang hiwalay, inamin ni Joey Marquez na nasaktan din siya sa mga puna sa dati niyang asawa na si Alma Moreno bunsod ng naging panayam sa actress-turned-politician sa programa ni Karen Davila sa ANC.

Ang nasabing live interview ni Karen kung saan tinanong niya si Alma ng mga mga pinag-uusapang isyu ngayon sa pulitika ay naging viral sa social media.

May mga netizens na pumuna sa kakayahan ni Alma na tatakbong senador sa 2016 elections.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joey, sinabi ng aktor na umiyak ang kaniyang mga anak dahil sa isyu.

“Pag ang mga anak ko ang nasasaktan, nasasaktan ako," ani Joey na dati ring mayor ng Parañaque City.

“Pag anak ko ang sinasaktan, nagagalit ako.”

Sina Joey at Alma ay nagkaroon ng tatlong anak at isang adopted child—sina Yeoj, Winwyn, VJ, at MM.

Patuloy ni Joey, “Kaya lang, fair naman ako, e.

“Fair ako sa lahat na tinitingnan ko kung ano ang dahilan.

“Hindi mo maalis kay Karen yun kasi trabaho yun, it’s her credibility.

“Sa aking pananaw lang naman, mahirap tanungin, e..

“Kahit ako siguro, yung mga senador ten years pinag-aralan yung RH Bill, ten or fifteen years, tapos tatanungin mo lang ng isang araw.

“BBL [Bangsamoro Basic Law], hanggang ngayon di pa napapasa, pinag-aaralan pa rin yun hanggang ngayon.

“Sa akin, medyo mahirap talaga.

“Kahit ako, nabasa ko siya, pero naiilang pa rin akong sagutin kasi hinihintay ko ang opinyon ng mga senador na nag-aaral diyan ng dekada."

Diin pa niya, “Pero hindi rin natin masisisi si Karen, trabaho niya yun.

“Trabaho niya na ipaalam sa tao ang kapasidad ng mga tumatakbo.

“Wala akong sinisisi dun, ang sinasabi ko lang, huwag namang sabihin nila na, ‘Artista lang ‘yan, e.’

“Ako, artista din ako, pero siguro may alam naman ako nang kaunti.” -- For the full story, visit PEP.