Bakit nga ba umalis si Ogie Alcasid sa 'Bubble Gang'?
Sa special episode para sa 20th anniversary ng Bubble Gang, kinapanayam ni GMA News anchor Jessica Soho ang dalawa sa mga original cast ng longest-running Philippine comedy sketch gag show sa bansa na sina Ogie Alcasid at Michael V.
Pag-amin ni Ogie, nami-miss niya ang Bubble Gang dahil pamilya ang turingan nila sa mga miyembro ng gag show.
Ikinuwento rin ni Ogie na nahirapan siya sa ginawa niyang paglipat sa ibang network dahil hindi niya kasama ang malapit na kaibigang si Michael V.
Nang umalis siya sa Bubble Gang, kainitan at sikat na sikat ang karakter niyang si "Boy Pickup."
Ikinuwento naman ni Michael V na tila sinadya ng pagkakataon nang magpaalam sa kanila noon si Ogie dahil kinukunan nila ang isang episode na mayroong "burol."
"Nagpapaalam siya ang set namin burol, may ataul dun...so parang..." natatawang banggit ni Michael V, na dinugtungan ni Ogie na, "namatay ang Bubble Gang?"
"Hindi. Parang may isang namatay na parte sa akin," paliwanag ni Michael V na kilala rin bilang si Bitoy.
Sa tanong ni Jessica kay Ogie kung ano ang sinasabi niya sa mga nagtatanong kung bakit siya umalis sa "Bubble Gang," panoorin ang kaniyang sagot sa video na ito:
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News