ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren Young on Jaclyn Jose: 'Best on-screen mom'


Gumaganap bilang ang mag-inang sina Angelika at Antonia Santibañez sina Jaclyn Jose at Lauren Young sa ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican series na "Marimar".
 
Bukod sa pagiging magkasundo sa pagpapahirap kay Marimar sa harap ng camera, kitang-kita rin ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa maging sa likod ng camera
 
Nauna nang nagsama ang dalawa sa GMA teleserye na "Mundo Mo'y Akin," ngunit hanggang ngayon ay marami pa rin umanong natututuhan si Lauren mula sa batikang aktres.
 
Sa isang Instagram post, tinawag ng aktres si Jaclyn na "The best on-screen mother a young actress could ever wish for."
 
"There is so much to learn from @jaclynjose! + never a dull moment at taping," dagdag pa ni Lauren.
 
Kabilang sina Jaclyn at Lauren sa mga muling nagbibigay-buhay sa kuwento ni Marimar, na ginagampanan naman ng Kapuso actress at 2013 Miss World Megan Young.
 
 
—BIANCA ROSE DABU/AT, GMA News