ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Oyo Boy slams Instagram basher of upcoming Vic-Pauleen wedding


Ipinagtanggol ng aktor at “Vampire Ang Daddy Ko” star na si Oyo Boy Sotto ang kaniyang ama na si Vic Sotto mula sa mapanirang salita ng isang basher sa kaniyang Instagram post.

Kaugnay ng nalalapit na pagpapakasal ni Bossing at ng kaniyang kasintahan na si Pauleen Luna, sinabi ng Instagram user na si @haks4eng kay Oyo Boy, “Would you also allow your daughter to marry a grampa? Your dad is a pedophile! Disgusting.”

Hindi naman nagustuhan ng aktor ang komentong ito tungkol sa kaniyang ama, kaya naman agad niya itong ipinagtanggol.

Paliwanag ni Oyo Boy, “Stop the hate. At least my dad and Pauleen are doing the right thing. They both want to get married. Hindi namilit ang tatay ko.”

“If you have nothing good to say, stop commenting on my page,” dagdag pa niya.

Inanunsyo ng batikang host ang engagement nila ni Pauleen nitong nakaraang Setyembre, at abala na nga ngayon ang dalawa sa paghahanda para sa kanilang kasal na inaasahang magaganap sa susunod na taon. 

Ilang followers din ni Oyo Boy ang nagtanggol kay Bossing kasabay ng mga masasakit na salitang ibinato sa kaniya.

Ayon sa Instagram user na si @patel.amy, “If you love each other, it doesn't matter how old your partner is... As long as you're happy. If Vic wants to marry Pauleen-- well that is no one else's business. We are not paying for their wedding. Let's just be happy for them.”

“Napakabait na tao ni Bossing. Kung husgahan mo siya, parang alam mo nilalaman ng puso't isip niya... Bad 'yang ginagawa mo. Hinuhusgahan mo ang taong napakabait at tumutulong sa mga mahihirap,” dagdag naman ng Instagram user na si @rowenarivero. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News