ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

What Carla Abellana thinks of Cai Cortez's revelation about Tom Rodriguez



Naglakas-loob ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na itanong sa Kapuso actress na si Carla Abellana ang tungkol sa kinasangkutang isyu ng rumored boyfriend niyang si Tom Rodriguez at ng kaibigang si Cai Cortez.

Ito ay kaugnay ng naging rebelasyon ni Cai na may nangyari sa kanila noon ni Tom, at "well-endowed" ang Kapuso actor.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Bago nito, nagpasintabi muna kami kay Carla na baka maka-offend ito o ayaw niyang sagutin.

Nakangiting sabi niya, “Anong intriga? Maraming intriga, e.”

Nang sinabi namin na ito ay tungkol kina Tom at Cai, sagot ng aktres, “A, nabalitaan ko 'yan nung presscon ng Because of You.

"Honestly, I don’t know so much about it talaga dahil hindi na ako yung…

"Kasi ako naman, kapag may naririnig, hindi naman ako yung type na uuwi tapos iri-research ko siya, e.

“Pero yun, lagi namang may nababalitaang iba-ibang tsismis na dadating at dadating.

"Pero, with this particular one, ang napansin ko lang kasi, it's… kumbaga, out na ako dun.

“Parang, I mean, sa kanila na yun, that’s between the two of them.

"Hindi naman ako involved. Tsaka, you know, it’s something that I have nothing to do with. 

“Past na yun, so parang wala ako dun.”

Nasaktan ba siya nung nakarating sa kanya ang balita?

Sagot ni Carla, “Hindi naman. Hindi naman...

"Kasi, you know, ano yun, e, past nila 'yan, e.

"Parang ano… hindi na dapat inuungkat pa. Tapos na yun, parang past is past.

“You don’t judge a person based on his past.”

Nakausap ng PEP at ilan pang miyembro ng media si Carla sa launching ng bagong endorsement nitong Vita-E, nitong Huwebes, December 10, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City. —PEP

For the full story, visit PEP.