ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Wally Bayola, hataw sa drama

Mga lola at si Yaya Dub, nag-alsa balutan na sa mansyon


Nabalot ng lungkot ang kalyeserye ng Eat Bulaga ngayong Sabado nang matuloy ang pag-alsa balutan ng mga lola The Explorer at ni Yaya Dub. Napansin din ng mga manonood ang ipinakitang husay ni Wally Bayola sa drama bilang sentimental na si Lola Nidora.

Tila magiging malungkot nga ang Disyembre nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora makaraang matuloy ang pag-alis nila sa mansiyon dahil sa hindi nila ito natubos sa lola ni Alden na si Lola Babah.

 


 


Nitong Sabado, nakita ang pag-iyak ni Lola Nidora habang minamasdan ang loob ng mansyon. Ang kaniyang mga kapatid na sina Tidora at Tinidora, busy naman sa paghahakot.

Nang maisakay na sa trak ang kanilang mga gamit, sumampa na ang mga lola at si Yaya Dub sa likod ng trak.

 

Pero pabirong tanong ng mga netizens, nasaan ang mayordoma na si Rihanna, na ginagampanan din ni Wally?

Muli, marami ang pumuri sa ipinakitang husay ni Wally sa drama at hindi lang sa pagpapatawa.

 

-- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye