Alden at Maine, may ipapangalan na sa magiging baby nila
Bagong bahay, bagong simula.
'Yan ang hangad ni Yaya Dub at ng mga Lola sa Kalyeserye ngayong Lunes matapos nilang umalis sa mansyon.
Si Alden naman, sinigurong hindi papabayaang magutom ang mga ito.
Sumugod si Alden sa barangay upang maghatid ng mga pagkain.
Hala grabe sila #ALDUBBagongSimuLa dok pic.twitter.com/eLEWVKBsP2
— OFCALDUBSTALKER MAIN (@ofcaldubstalker) December 14, 2015
At dahil busy ang mga Lola sa pagkain, sina Alden at Yaya Dub na lamang ang kanilang pinapunta sa Sugod Bahay.
Pagdating doon, pinagpraktisan ng dalawa ang isang bata na pinangalanan nilang Baby Charmaine — pinagdugtong na tunay na pangalan nina Nicomaine Mendoza at Richard Faulkerson Jr.
Jusmiyo may name na agad baby nila khit wla pa Charmaine daw whooo!ayiie?(cto) #ALDUBBagongSimuLa pic.twitter.com/r8gx67yT74
— OFC AD|MD JAPAN (@Ofcaldub_Japan) December 14, 2015
Totohanan na nga ba ang tambalan ng AlDub? —JST, GMA News