Vic and Pauleen's weekend in Hongkong
Kasabay ng pagiging abala nila sa iba't ibang showbiz commitments at sa nalalapit nilang kasal, sandaling nagpahinga ang magkasintahang sina Pauleen Luna at Vic Sotto nitong nagdaang weekend at namasyal sa Hongkong.
Bukod sa pamamasyal at pagpapahinga, nag-shopping at food trip din ang tinaguriang Future Mr. and Mrs. Bossing.
Matapos nilang kumpirmahin ang kanilang engagement ngayong taon, inaasahan na ng marami na magaganap ang kanilang kasal sa susunod na taon.
Kamakailan lamang, ibinahagi na ni Pauleen ang ilan sa mga ginagawa nilang paghahanda, kabilang na ang kaniyang pagpapagawa ng wedding gown at pamimili ng mga makakabilang sa kanilang wedding entourage.
Ayon sa dalawa, nais nilang maging simple at intimate ang kanilang kasal, kaya naman tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang kanilang iimbitahan.
“The point is, we just really want it to be private and solemn and simple. Para maramdaman talaga namin kung ano yung okasyon,” paliwanag ni Pauleen. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News