ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Nakakaalis ng pagod

Dingdong Dantes, sabik laging umuwi para makita ang kaniyang mag-ina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Laging sabik na umuwi ng kanilang bahay si Dingdong Dantes lalo na ngayon na dumating na sa kanilang buhay ni Marian Rivera ang panganay nilang si baby Letizia.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA news 24 Oras nitong Martes, ikinuwento ng aktor na maganda ang kalagayan ng kanyang mag-ina.

Sobra raw ang pananabik niya tuwing uuwi para makasama sina Marian at baby Letizia.

"Totoo yung sinasabi nilang tanggal ang pagod, " anang Kapuso Primetime King kapag nakita na ang kaniyang mag-ina.

Nitong nagdaang weekend, pagkatapos manganak noong November  23, lumabas si Marian kasama si Dingdong para sorpresahin ang kanilang "DongYan fans sa kanilang Christmas party.

"Nami-miss na rin niya kasi sila and alam kong sobrang matutuwa sila, 'yung mga kaibigan namin kung umattend siya. And she also wants to see them and to assure them that everything's alright," pagbahagi ni Dong.

Nang tanungin kung kailan ba babalik sa showbiz ang Kapuso Primetime Queen, tugon ni Dingdong,  "Hindi ko po sigurado. Pero siguro magandang bigyan muna rin siya ng oras at panahon na to concentrate on her new task which is to ba a mother. and i believe that she's doing it very very good, very very well."

Samantala, pinangunahan din ni Dingdong ang pictorial ng PPL talents kung saan kasama niya ang mga Kapuso star tulad nina LJ Reyes, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, Sunshine Dizon, Carlo Gonzales at Max Collins. -- FRJ, GMA News