ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Yaya Dub at mga Lola, ready na sa Christmas Caroling Competition bukas!


Dala-dala na ni Alden nitong Miyerkules ang mga kailangang props at costume nina Yaya Dub at nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora para sa sasalihan nilang Christmas Caroling Competition ngayong darating na Biyernes.
 
Pinaghahandaan nang lubusan ng mga Lola at ng dalaga ang naturang kompetisyon dahil bukod sa P50,000 na cash prize para sa grand champion, maaari rin silang manalo ng house and lot at pangkabuhayan showcase.
 
Matatandaang naging matindi ang pangangailan ng kanilang pamilya mula nang palayasin sila sa mansyon ilang linggo na ang nakararaan.
 
Bilang pag-suporta, ginagawa ni Alden ang lahat upang makatulong kay Yaya Dub at sa mga Lola.
 
 
 
 
Matapos silang mag-practice ng sayaw kahapon kasama si Amiga Geleen Eugenio, nag-voice lesson naman ngayong araw sina Yaya Dub at Lola Tinidora.
 
Tumulong rin si Doktora Dora at nagbigay ng gamot na pampaganda ng boses.
 
 
Bago magtapos ang Kalyeserye, masayang ibinalita ni Lola Nidora na nakapagbayad na siya ng registration fee matapos siyang mangutang kay Mareng Sonia.
 
Opisyal nang kalahok sina Yaya Dub at ang kaniyang mga Lola sa Christmas Caroling Competition ngayong Biyernes at bukod kay Alden, Yaya Luvs, at Bae-by Baste, buong-buo rin ang suporta ng AlDub Nation sa kanila.
 
Abangan ngayong Biyernes ang magiging performance ng Kalyeserye squad, at abangan rin kung mapapasakanila ba ang inaasam na grand prize. —Bianca Rose Dabu/AT, GMA News