Yaya Dub at mga lola The Explorer, sumabak sa Christmas carolling contest
Natuloy ang pagsabak nina Yaya Dub at mga lola na sina Nidora, Tidora at Tinidora sa Christmas carolling competition sa kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Huwebes.
Pero bago lumaban, binigyan muna sila ng gamot ni Dra Dora na pang-alis ng kaba.
Ayon kay Dora, mula sa pawis ng blue whale ang ibinigay niyang gamot kina Yaya Dub at mga lola para lumakas ang kanilang loob sa pagsabak sa kompetisyon na maaaring magpabago ng kanilang buhay.
Freeze!! #ALDUB23rdWeeksary pic.twitter.com/56xYbCm6Wb
— ALDUB|MAIDEN BAGUIO (@MaiDen16_Baguio) December 24, 2015
Matapos kasing mapalayas sa kanilang mansyon, umaasa sina Yaya Dub at mga lola na mananalo sa contest dahil kasama sa premyo nito ang bahay at lupa.
Tila tumalab naman ang gamot ni Dora dahil kahit hindi pa lumalaban sina Yaya Dub ay kumpiyansa na sila sa panalo.
Nagbigay naman ng pagbati si Alden kina Yaya Dub, at kahit ano raw ang mangyari ay ang dalaga ang panalo sa puso niya.
Sa kompetisyon, nakalaban nina Yaya Dub ang grupo ng Pabebe Boys at Girls, ang Jingle Baes, at ang Parañaque Rebel.
Huling nag-performer sina Yaya Dub at mga lola na umawit at nagsayaw. May sandali rin nakalimutan nila ang dance steps pero buhay na buhay naman ang kanilang audience impact.
#ALDUB23rdWeeksary group 2 jingle baes pic.twitter.com/t9j0Ud0Pnn
— ALDUB|MAIDEN CANADA (@maiden16_Canada) December 24, 2015 Jingle Bell Rock... #ALDUB23rdWeeksary pic.twitter.com/CLwKVXopa9
— ALDUB|MAIDEN QUEZON (@maiden16_quezon) December 24, 2015
Pero sa huli, ang nagwagi ay ang Parañaque Rebel kaya bigo sina Yaya Dub at mga lola na makuha ang premyong house and lot.
Gusto pa ni Tinidora na makita ang resulta ng labanan dahil baka raw nagkamali pero hindi talaga sila ang nanalo.
Hindi man sila nanalo at wala pa rin silang bahay na uuwian, ang mahalaga raw ay sama-sama pa rin sila sa araw ng Pasko.
Inimbitahan din sila nina Tito Sen at Allan K na magpunta sa Broadway Centrum sa Biyernes para makisaya sa Eat Bulaga sa selebrasyon ng Pasko. -- FRJ, GMA News