ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

AlDub fans, nagbibigay ng kasiyahan sa mga lolo't lola na nasa ampunan


Pinatunayan ng ilang AlDub fans o tagahanga nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza mula sa Bulacan na kaya nilang isabuhay ang mga aral na kanilang natutunan sa sikat na kalyeserye ng Eat Bulaga.

Batid ng mga sumusubaybay sa kalyeserye na maliban sa kilig at pagpapasaya na hatid ng naturang segment ng Eat Bulaga, may mga aral ding natutunan dito lalo na mula kay Lola Nidora.

Ang mga aral na napupulot ng ilang kabataan tulad ng AlDub Maiden Nation Bulacan Chapter, ay kanilang isinasabuhay at ibinabahagi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasiyahan tulad sa mga nakatatanda na kinukupkop sa "Emaus."

Ang mga nakatatanda, masaya raw kapag dumarating daw ang grupo ng mga kabataan lalo na doon sa mga hindi na nadadalaw ng kanilang mga kamag-anak.

Ginagawa raw nila ang pagbisita sa iba pang institusyon na kumukopkop sa Bulacan tuwing monthsary ng kanilang grupo.

Sa pamamagitan ng kanilang ginagawa, may dagdag na aral daw silang napupulot kasabay ng kanilang ginagawang pagbibigay ng kasiyahan. -- FRJ, GMA News