Solenn's gown for wedding reception
Naging pribado ang pagpapakasal ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff at ng kaniyang Argentine boyfriend na si Nico Bolzico sa Argentina nitong Martes, December 29.
Tanging pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang nakadalo sa simpleng kasalan ng magkasintahan, kabilang na ang mga aktres at model na sina Isabelle Daza, Anne Curtis, at Georgina Wilson.
Gayunpaman, magiliw namang ibinahagi ng bride at ng kaniyang mga kaibigan sa social media ang ilan sa mga tagpo mula sa simpleng seremonya, kaya naging sunod-sunod rin ang pagbati mula sa mga tagahangan ng aktres.
Bukod sa mga larawang ibinabahagi ni Solenn at ng kaniyang mga kaibigan, ipinasilip rin ng fashion designer na si Boom Sason ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng naganap na kasal ng Kapuso actress-- ang kaniyang wedding gown.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Boom, "My beautiful friend Sos, who bears all the qualities I always admired in a woman, wears her custom @boomsasonweddingclassics gown tonight for her lakeside civil wedding reception in Argentina. Love you, Sos! Congrats and Best wishes to you and Nico! @nicobolzicco"
A photo posted by Boom Sason (@boomsason) on
Nauna nang sinabi ni Solenn na nais niyang maging pribado ang kaniyang kasal, kaya naman hindi masyadong napag-usapan ang ginawa nila preparasyon para dito.
“Because it’s a personal thing and it is something you want to be magical. The more the people talk about it, the more it gets magulo, parang ayoko na. So I wanna keep it private. Lalabas naman when it happens. I’ll share,” aniya. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News