Alden at Maine, sumabak sa 'Bulagaan' ng Eat Bulaga sa unang pagkakataon
Sa unang episode ng 2016, ibinalik ng longest-running noontime show na Eat Bulaga! ang segment na "Bulagaan" kung saan sumali sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza, at ang D'Explorers sisters sina Lola Nidora, Tidora at Tinidora.
Sa kanilang unang Bulagaan, nakakuha ng mababang score sina Alden at Maine para sa tanong ni Prof. Vic Sotto tungkol sa Canadian superstar na si Justin Bieber.
Bukod sa pagpapakilig nila sa kalyeserye, nagbigay din ng saya sina Alden at Maine sa Bulagaan dahil sa kanilang nakakatuwang lambingan at biruan.
"i just can't believe that you are mine now. You are JUSTIN BIEBER once knew!" Grade: FIFTY! :D #ALDUBWelcomes2016
— Eat Bulaga (@EatBulaga) January 1, 2016Nakunan din ng camera ang tila pagkakaroon ng sariling mundo nina Alden at mAINE habang nagbabatuhan at nagpapahiran ng icing. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News