ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
#ALDUBHappyBAEdayALDEN

Twitter, dinagsa ng pagbati para sa 'bae-day' ni Alden Richards


Nag-top trending topic ng Twitter sa worldwide at sa Pilipinas nitong Sabado ang  #ALDUBHappyBAEdayALDEN para mabati ng netizens ang tinaguriang "Pambansang Bae" na si Alden Richards na nagdiriwang ng kaniyang ika-24 na kaarawan.

Nakasaad na galing sa iba't ibang lugar sa loob at labas ng bansa ang mga tweet para batiin si Alden.

Napuno rin ng mga tao ang studio ng "Eat Bulaga" sa Broadway Centrum, at sa labas na lang  nakisaya ang mga hindi na nakapasok sa loob.

 

 

Bukod sa patuloy na tagumpay, kasama sa wish ng mga bumati para kay Alden ang mahusay nitong kalusugan at hindi magbago sa kaniyang kababaang-loob ang binata.

January 2, 2016

 

--FRJ, GMA News