Solenn Heussaff and friends enjoy Argentina getaway
Matapos ang napabalitang kasalan nila ng kaniyang Argentine boyfriend na si Nico Bolzicco, tila sinulit na nga ng Kapuso actress na si Solenn Heussaff ang kaniyang bakasyon sa Argentina kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Bukod sa road trip, magkakasama sina Solenn, Nico, Georgina Wilson, Isabelle Daza, Anne Curtis, Erwan Heussaff, at ang kanilang mga kaibigan sa white water rafting, hiking, at marami pang aktibidad.
Kabilang sa mga pinuntahan ng magkakaibigan ang El Chalten, isang maliit na mountain village sa Santa Cruz Province sa Argentina, pati na ang Perito Moreno Glacier sa Los Glaciares National Park.
Silipin ang masayang bakasyon ng Kapuso actress sa Argentina kasama si Nico at ang kanilang mga kaibigan. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News