advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Yasmien Kurdi catches 3-year-old daughter doing her own make-up


Kinagiliwan ng netizens ang videos ng anak ni Yasmien Kurdi na si Ayesha Zara na nakita ng Kapuso actress at ng kaniyang mister na mag-isang naglalagay ng make-up.

Ayon kay Yasmien sa isang Instagram post kamakailan, labis ang pag-aalala nila nang hindi nila mahanap si Ayesha sa buong bahay.

“Diyos ko! Kinabahan kami kay AZ kasi hindi namin mahanap sa buong bahay, tapos naka-lock 'yung kwarto ng yaya niya. Kumakatok kami at walang sumasagot. Kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam kung si AZ ba talaga 'yung nasa loob, kung okay lang ba siya o ano,” anang Kapuso actress.

Laking gulat raw nila nang madatnang puno ng make-up ang mukha ng anak. Paliwanag daw ng bata, nais niyang maging kamukha si Queen Elsa mula sa Disney animated film na “Frozen.”

Dagdag pa ni Yasmien, “Eto 'yung nadatnan namin. Tinakas niya na pala yung make-up ko, and sabi niya, nag make-up daw siya just like Elsa of Frozen hahaha! 'Di ko talaga alam kung magagalit ba ako kasi natatawa talaga ako sa kaniya.”

Umabot na ng mahigit tig-1,000 likes ang tatlong video na nai-post ni Yasmien tungkol sa nasabing pangyayari.

 

A video posted by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

 

A video posted by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

 

-- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: yasmienkurdi
LOADING CONTENT