advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz
AIAI, GABBY EIGENMANN AMONG GODPARENTS

Dingdong Dantes, Marian Rivera to hold Baby Zia’s baptism in Feb.


Matapos ang halos dalawang buwan mula nang ipanganak si Baby Maria Letizia noong Nobyembre ng nakaraang taon, plano nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera na pabinyagan ang kanilang anak sa darating na Pebrero.

Sa panayam ng “CelebriTV” kay Dingdong, sinabi ng aktor na ginagawa na nilang mag-asawa ang listahan ng ninong at ninang ng kanilang panganay na anak.

“Siyempre, si Ms. AiAi nandiyan. Tapos sa mga lalaki, babanggitin ko si Gabby Eigenmann, ‘yan isa sa mga ninong. Tinatapos pa namin ‘yung list,” aniya.

Bilang first-time parents, laking gulat raw ng mag-asawa dahil hindi nila halos nararanasan ang puyat at pagod sa pag-aalaga kay Baby Zia.

Dagdag pa rito, napakasarap raw ng pakiramdam na maging isang magulang kaya naman hands-on parents sina Dingdong at Marian.

Ayon kay Dingdong, “Napakasarap sa pakiramdam. Sinasabi nila lagi na mapupuyat ka, mga ganun. Actually, wala kaming puyat. Napakabait niya. Manang-mana sa nanay.”

“At agree ako (na magkamukha nga sila) kasi noong lumabas siya at nakita ko na, ang nakita ko agad ay 'yung dimple—ipinakita niya talaga agad. Pati 'yung pilikmata, at saka 'yung ilong,” dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ng Kapuso actor na nami-miss na ng kaniyang misis ang showbiz, kaya naman nagpapalakas na ito upang agad na makabalik sa mga naiwan niyang programa, kabilang na ang comedy variety show na “Sunday Pinasaya.” —Bianca Rose Dabu/KG, BAP, GMA News

LOADING CONTENT