Dating child star na si Jiro Manio, nakalabas na ng rehab facility
Ilang buwan mula nang ipasok, nakalabas na si Jiro Manio sa rehab o wellness facility sa tulong ng Kapuso star na si AiAi delas Alas.
Ang anak ni AiAi na isa ring Kapuso actor na si Sancho, nag-post sa Instagram account ng larawan kung saan kasama nila si Jiro.
“Welcome home kapatid!” saad ni Sancho sa caption ng naturang larawan.
Welcome home kapatid! #jiroshome ???????????? #jiromanio
A photo posted by Sancho Vito De las Alas (@sanchovito) on
Hulyo noong nakaraang taon nang ipasok sa wellness facility si Jiro ilang araw makaraang lumabas ang balitang naging palaboy ang dating child star sa isang airport.
Hindi naman nagdalawang-isip si AiAi na tulungan si Jiro na ilang beses niyang naging anak sa kaniyang mga pelikula.
Sa hiwalay na Instagram post ni AiAi, nagpasalamat ang aktres sa kaniyang mga anak at sa nobyong si Gerald Sibayan dahil sa pagsuporta rin kay Jiro.
"Maraming salamat baby boy Sancho @sanchovito and darling ko @gerald_sibayan sa mga tshirts and shoes for Jiro...Salamat din sa suporta niyo sa akin sa pagbibigay ng pag-asa para sa kanya to have a life again.. God bless you both," saad ni AiAi. -- FRJ, GMA News