ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
May 3 'K' sa pag-ibig-- Lola Nidora

Alden to Maine: 'Hindi ko na ma-imagine yung buhay ko 'pag wala ka'


Sa kanilang 29th weeksary bilang love team ng kalyeserye ng Eat Bulaga, muling inihayag nina Alden Richards at Maine Mendoza ang pasasalamat sa pagkakabuo at suporta sa "AlDub" na nagpabago sa kanilang buhay.

Sa Eat Bulaga nitong Huwebes, nagtungo sa studio sina Alden at Maine para magkaloob ng Valentine gifts sa tatlong pares ng dabarkads na sumusuporta sa AlDub.

 
AlDub Day 170 : ALDUB 29TH WEEKSARY

AlDub 29th Weeksary!!! <3 Muling kiligin at pasayahin ang inyong Thursday evening, panuorin ang nag-iisang #Kalyeserye!

Posted by Eat Bulaga on Thursday, February 4, 2016

 

Kasabay ito ng maagang selebrasyon ng araw ng mga puso at pagdiriwang din ng 29th weeksary ng kanilang tambalan.

Bukod sa kulitan sa palitan nila ng pick-up lines, tumugtog si Alden ng ukelele sa saliw ng awiting "One Call Away."

Binigyan din ni Alden ng mga bulaklak si Maine.

"Thank you po dahil hanggang ngayon po pinapatunayan ninyo sa amin na walang iwanan. Sana po alam ninyo na mahal namin po kayo ni Alden," saad ni Maine sa kanilang supporters.

Mensahe naman ni Alden kay Maine; "Ever since naman nagsimula yung AlDub, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga dumating sa buhay ko, specially ikaw, nandyan ka."

Dagdag pa ng aktor, "Alam mo kahit hindi nila alam, on and off cam we got each other's back. Siguro hindi ko na ma-imagine yung buhay ko 'pag wala ka."

Masayang tugon naman ni Maine sa sinabi ni Alden: "Alam mo Alden hindi 'ko alam na darating ka sa buhay ko."

Muli rin niyang pinasalamatan si Alden at sinabihan ng "AlDub you."

Ikinatuwa naman nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora ang maayos na pagtitinginan nina Alden at Maine.

Si Tinidora, nagsimula na ring gumawa ng sarili niyang diary para itala ang magagandang nangyayari sa kanilang buhay.

Pinayuhan naman ni Nidora si Alden at Maine na matuto sana sa kuwento ng kanilang pag-iibigan ni Anselmo. Binigyan-diin niya na mayroon tatlong "K" sa pag-ibig.

"Ang pag-ibig K.K.K. 'yan; kaba, kirot at kilig. Basta magpakatatag kayo," payo ni Nidora.

Habang hinihintay pa ang pangalawang kondisyon na ibibigay ni Maine bago malaman kung sasagutin na niya si Alden, nakahanap naman ng tiyempo ang binata para mahagkan sa pisngi ang nagulat na dalaga. -- FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye, aldub