ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
In Photos: Vic at Pauleen, sweet na sweet sa kanilang honeymoon
Muling nagbahagi ng ilang larawan si Pauleen Luna sa honeymoon nila ng mister na si Vic Sotto sa tropical resort island na Maldives.
Sa isang larawan na naka-post sa kaniyang Instagram account, makikita ang bagong kasal habang naglalakad na magkahawak ang kamay.

Nilagyan ni Pauleen ng caption ang larawan na "can't get better than this," at may heart sign.
Sa isa pang larawan, ipinakita ni Pauleen ang magandang view ng resort habang nagdi-diner sila ni Vic.

Una nang nagpost si Pauleen ng larawan nila ni Vic nang mag-agahan sila sa resort.

-- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular