ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS: AlDub's first Valentine date in Tagaytay
Sa unang pagkakataon, ipinagdiwang nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Tagaytay ang kanilang unang Valentine date mula nang mabuo ang kanilang tambalan sa kalyeserye ng "Eat Bulaga" noong July 2015.
Bukod sa palitan ng regalo, may handog na tula si Maine aka Yaya Dub/Divina kay Alden, na nais malaman ng dabarkads kung pang-kalyeserye ba o pang-totohanan na.
Samantala, mahigpit na yakap at dalawang halik sa noo ang sukli ni Alden sa madamdaming tula na ginawa para sa kaniya ni Maine. Bukod pa iyan sa Valentine kiss sa pisngi na ginawa ng binata sa dalaga bago matapos ang kalyeserye nitong Sabado.
-- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular