ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jackie Rice, pursigido sa pinasok na food business


Kasama ang kaniyang nobyo, pumasok na rin sa food business ang Kapuso actress na si Jackie Rice. Paghahanda na rin ba ito sa paglagay nila sa tahimik?

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nais tutukan ni Jackie ang pagpapatakbo sa "paresan" sa Quezon City, na itinayo nila ng kanyang nobyong si Andrew Lopez.

Gagawin daw ito ni Jackie ngayong patapos na kinabibilangan niyang serye na "Buena Familia."

Simula pa lang daw ito dahil plano pa nilang magtayo ng iba pang restaurant. Katunayan, pareho raw silang nag-aral ni Andrew ng culinary arts.

"Kailangan nating mag-start na maliit tapos with a twist ng mga gano'n, na pangmasa pero yung nagluluto sa atin mga chef," saad ng sexy Kapuso star.

Kabilang sa plano raw nila ni Andrew na magtayo ng Japanese restaurant sa hinaharap.

"After nito, parang iniisip namin, mag-Japanese naman. Nag-aral kasi si boyfriend (Andrew) ng Japanese cuisine," kuwento niya.

Dahil madalas silang magkasama ng nobyo pati sa pagtatayo ng negosyo, hindi maiwasang matanong si Jackie kung naghahanda na ba silang lumagay sa tahimik.

"Hindi pa rin ako ready na makipag-commit ng ano...Kasi 'pag kasal, ibibigay ko na ang buhay ko talaga sa kanya. Right now, kailangan kong magnegosyo para sa family ko. Tumutulong pa rin ako sa family ko sa Olongapo," paliwanag niya. -- FRJ, GMA News

Tags: jackierice