ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin del Rosario, mapapanood muli sa gay themed stories


Tila mabenta ang Kapuso hunk actor na si Martin del Rosario sa gay themed stories. Sa Sabado, muli siyang magpapakita ng kaniyang acting skills at magandang pangangatawan sa "Karelasyon" at Magpakailanman."

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing hindi maiwasan ni Martin na malungkot dahil last taping day na sa Lunes ng kinabibilangan niyang afternoon prime soap na Buena Familia.

Mami-miss daw kasi niya ang mga kasama niya sa soap, lalo na ang kaniyang leading lady na si Kylie Padilla.

Noong nagsisimula silang mag-taping ng nabanggit na serye, naging open at inamin ni Martin na may matinding paghanga siya kay Kylie.

Kaya marami ang nag-akala na popormahan niya ang Kapuso actress pero hindi nangyari.  Bakit nga ba hindi niya niligawan ang dalaga?

"Parang kasi 'pag nilagyan mo ng meaning, parang 'pag gumawa ka ng extra effort sa next level, na parang alam mo namang masaya ngayon...parang nakakatakot lang or baka kung anong masira pa, ma-awkward pa sa taping," paliwanag ng aktor.

Ayon kay Martin, nag-e-enjoy siya sa acting assignments na ibinibigay sa kanya ng GMA. Katulad ng "Karelasyon" na ipalalabas sa Sabado na kasama niya sina Roxanne Barcelo, Stephanie Sol at ang internet sensation na si Sebastian Castro, na bilib na bilib kay Martin.

Kuwento ni Martin sa istorya nila sa Karelasyon, "Tungkol sa dalawang couple--isang gay couple, saka isang lesbian couple na nakatira sa isang parang apartment. Du'n sa loob ng apartment ng 'yon, nagkaroon ng rigodon. May parang magpapalit-palit ng mga partner na hindi nila alam sa isa't isa dahil magkakaibigan sila."

Samantala, puring-puri ni Sebastian si Martin na inilarawan niyang very professional at very talented.

"I consider him always the more talented younger actor in GMA. Finally working with him is actually something I looked forward to,' ayon kay Sebastian.

Tila mabenta nga si Martin sa mga gay themed stories dahil sa Sabado rin, mapapanood ang Magpakailanman, kung saan gaganap naman siya bilang boyfriend ng transwoman at beauty title holder na si Trixie Maristela.

Matatandaan na noong nakaraang taon, ang istorya kung saan naging gay lovers sila ni Mark Herras ang naging pilot episode ng Karelasyon. -- FRJ, GMA News