ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine Mendoza celebrates 21st birthday with family, several fans club  


 
Nasorpresa ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza noong Martes ng gabi nang magsama-sama ang kaniyang mga tagahanga mula sa iba't ibang fans clubs upang ipagdiwang ang kaniyang 21st birthday.
 
Kabilang rin sa mga dumalo sa Coachella-themed birthday party ng dalaga sa Quezon City ang kaniyang mga kaibigan at buong pamilya.
 
Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Maine sa maagang regalo mula sa mga nagmamahal sa kaniya.
 
“I didn't think that you'd spend so much time and effort preparing for this. Bonggang party? Para sakin? Bakit? Bakit ako? I am just so grateful for being so blessed to have people like you in my life. Thanks for making my birthday (extra) special!” aniya.
 
Dagdag pa ni Maine, “To everyone who came and enjoyed the night with me, maraming salamat! Kakasimula palang ng Marso, buo na agad buwan ko– salamat sa inyo! I love you all!”
 
 
Magdiriwang ng kaniyang ika-21 na kaarawan ang phenomenal Kalyeserye star ngayong Huwebes, March 3.
 
Magkakaroon rin siya ng selebrasyon sa “Eat Bulaga!” sa Sabado, March 5, kasama ang mga Dabarkads at ang AlDub Nation. — APG, GMA News