Maria Ozawa, kumambiyo sa kuwentong may nangyari sa kanila ni Cesar Montano
Nag-post sa kaniyang Twitter account ang dating Japanese adult video star na si Maria Ozawa para linawin ang lumabas na ulat na inamin niyang may nangyari sa kanila ng aktor na si Cesar Montano bago gawin ang pelikulang "Nilalang" noong 2015.
Saad ni Maria, nagbibiruan lang sila ng mga kausap niya nang pag-usapan ang paksa tungkol kay Cesar.
"I saw the news earlier but it was a joke and was just having fun w/ the whole topic and broke my heart that they are saying such things," ayon sa post ni Japanese actress.
I saw the news earlier but it was a joke and was just having fun w/ the whole topic and broke my heart that they are saying such things....
— ????? (@ozawamaria0108) March 3, 2016
Una rito, ipinost sa social media ang panayam ni Mo Twister kay Maria sa podcast na "Good Times With Mo."
Atubili mang sagutin ang mga tanong ni Mo, sinabi ni Maria na isang beses lang nangyari ang pagtatalik nila ni Cesar at mabilis lang umano.
Nangyari raw ito bago nila gawin ang pelikula at halos kadarating lang niya sa bansa.
Inilarawan niya ang nangyari sa kanila ng aktor na, "saying hello sex" lang.
Si Cesar ang pumalit kay Robin Padilla sa pelikulang "Nilalang," na kasama sa mga ipinalabas sa nakaraang Metro Manila Film Festival. -- FRJ, GMA News