ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Maine shares hilarious 'Face Swap' photos with Alden


 
 
 
 
 
 

 

Bukod sa pagiging Dubsmash Queen, tila marami na ring napapasaya sa social media app na Snapchat ang Kalyeserye sweetheart at “Eat Bulaga!” host na si Maine Mendoza.

Ibinabahagi ng dalaga sa naturang app ang ilan sa mga tagpo sa kaniyang buhay, pati na ang mga nakakatuwang larawan gamit ang iba't ibang filter.

Kamakailan lamang, naaliw ang kaniyang followers nang gamitin niya ang “Face Swap” filter sa magazine covers nila ng Pambansang Bae at Kapuso heartthrob na si Alden Richards.

Hindi rin nagpahuli sa pagsubok ng bagong filter na ito ang ilan pang celebrities, tulad nina “Pepito Manaloto” stars Michael V. at Jhake Vargas, ang mag-inang Laurice Guillen at Ina Feleo, at ang magkapatid na sina Kim Kardashian at Kylie Jenner. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News