ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera writes heartfelt message for grandmother's birthday


Hindi pinalampas ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pagkakataon na ipahayag ang pagmamahal sa kaniyang Lola Iska, na nagdiwang ng kaarawan nitong Miyerkules.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Marian sa ginawang pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay sa kaniya ni Lola Iska mula sa kaniyang pagkabata.

Saad niya, "Isa sa mga pinagpapasalamat ko sa Panginoon ay ang araw na ito, ang iyong kaarawan. Walang hanggang pasasalamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin."

Dagdag pa ng Kapuso actress, "Tanging dalangin ko, nawa'y maging masaya ka araw-araw sa buhay mo. Palaging nandito ang iyong bunsolilit para sayo. Maligayang kaarawan, Nanay. Mahal na mahal kita."

 

Matapos ang pagbabalik niya sa "Sunday Pinasaya," nakatakdang bumida si Marian bilang Ynang Reyna sa upcoming remake ng Kapuso fantasy series na "Encantadia" ngayong taon.

READ: Marian Rivera gives heartfelt message to Dingdong Dantes

Inaabangan na rin ng kaniyang mga tagahanga ang kaniyang talk show, at ang pagbabalik-tambalan nila ng mister at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: marianrivera