ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
FIRST STOP: DUBAI SA JULY

'Wowowin,' tiyak nang dadalhin sa ibang bansa, ayon kay Kuya Wil


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tuloy na ang paghahatid ng kasiyahan ng Wowowin ni Willie Revillame sa mga Pinoy na nasa ibang bansa. Ang unang bansa na pupuntahan ng game show ng bayan, ang Dubai.

WATCH: Babaeng sumali sa 'Wowowin,' naluha sa alok na tulong ni Willie Revillame

Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing patuloy ang partnership ng Orbit Showtime Network ng Dubai at GMA Network sa paghahatid ng mga programang Kapuso sa Middle East.

Sa isinagawang ceremonial handshake, present sina GMA COO and President Gilberto Duavit Jr., at First Vice President and Head of Operations ng GMA International na si Joseph Jerome Francia.

Kasama nila ang OSN officials na sina SVP for Media Partners, Affiliate Channels and Digital Content na si Emad Morcos..at OSN Pinoy Director Chuck Silva.

Nandoon din si Wowowin host Willie Revillame.

Bukod sa mas malawak pang audience reach ng GMA, asahan din ang bonggang launching ng GMA sa Middle East,  pati na ang pagbisita ng mga Kapuso artist para mag-perform.

Dadalhin na rin ng OSN Network ang GMA News TV, GMA Life TV  at mga radio channel ng Kapuso network.

Kaabang-abang din ang malaking show na gagawin ni Willie at ng programa niyang "Wowowin" sa Dubai sa July.

Sa "Wowowin" episode nitong Martes, hinikayat ni Willie ang mga Kapuso sa Dubai na abangan ang kanilang pagdating.

“Sa ating mga Kapuso saan mang sulok ng mundo, lalong lalo na po ‘yung mga dakilang OFWs, ‘yung mga nagdi-DH, kami po ay magpupunta sa July sa Dubai. So mga taga-Dubai, magkita-kita po tayo kasama ang Wowowin at marami kaming special guests,” pag-anunsyo niya.

Ilan pa sa mga bansang pupuntahan umano ng Wowowin ay ang Hong Kong, Japan, Australia at at London.

"Sa ating mga Kapuso at kababayan diyan, kakatok kami sa mga tahanan at puso niyo para magbigay ng saya. Yung mga hindi nakakauwi dito, kami ang lalapit sa inyo, at lalo sa mga dakilang OFWs natin,” dagdag ni Willie. -- FRJ, GMA News

Tags: wowowin