ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ano kaya ang pangalan?

Regine at Ogie, nais na bigyan ng pangalan ang kanilang unborn child


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ibinahagi ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa programang "Tonight With Arnold Clavio" nitong Miyerkules, na nais nila ni Ogie Alcasid na bigyan ng pangalan ang kanilang unborn child na pinaniniwalaan niyang babae.

Nauna nang naibalita na nakunan si Regine bago pa man sila maikasal ni Ogie.

READ: Regine Velasquez, inamin na nawalan sila ni Ogie Alcasid ng anak


Sa pagbisita ni Regine sa anniversary month ng "TWAC," naging bukas ang leading star sa bagong Kapuso series na "Poor Señorita" na ibahagi ang pinagdaan niya nang mawala ang una nilang anak ni Ogie.

Kuwento ni Regine, bahagi siya noon ng Kapuso Primetime Series na "Darna" nang makunan at malaglag ang kanilang baby na dalawang buwan sa kaniyang sinapupunan.

Isang linggo lang daw nagpahinga si Regine at muling sumabak sa trabaho kung saan sunod na ginawa niya ang soap na "Diva."

Maliban sa kaniyang pamilya, hindi raw nabanggit ni Regine noon sa showbiz ang nangyari sa unang anak sana nila ni Ogie.

Pero bago pumunta sa taping ng "TWAC," sinabi ni Regine na nakita niya ang ultra sound ng kanilang unborn child, at nakita rin ito ng kaniyang apat-na-taong-gulang na anak na si Nate.


Kuwento ni Regine, inakala raw ni Nate na siya ang nasa ultra sound at sinabi niya na ibang baby iyon. Pero dahil bata pa, ipapaliwanag daw ni Regine sa anak ang tungkol sa unborn baby kapag malaki na si Nate.

Sa sandaling iyon, napag-usapan daw nila ni Ogie na bigyan ng pangalan ang kanilang unborn child.

Nang tanungin ni Igan Arnold kung may naisip na silang pangalan, sinabi ni Regine na wala pa.

"I have a feeling during that time na girl, so we should give her a girl's name," saad ng Asia's Songbird. -- FRJ, GMA News