Yaya Dub at mga lola, nakatapak muli sa kanilang mansyon
Masaya ang naging kwentuhan sa kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Huwebes kasabay ng 35th weeksary nina Alden at Yaya Dub.
Nagtungo sina Alden at Yaya Dub sa mansyon, kasama sina lola Nidora at Tinidora, na binabantayan ngayon ni Cookie, para makilala nila ang may-ari nito ngayon.
Habang naghihintay, binalikan nila ang mga alaala sa mansyon, kabilang na ang unang pagbisita ni Alden, ang kanilang pagda-Dubsmash, pati na ang mga selfie nila noong doon pa nakatira ang mga Lola at ang dalaga.
Just like old times.. Throwback ang peg #ALDUB35thWeeksary pic.twitter.com/rrTBsHWbvN
— OFC AD|MD SF CA (@ofcaldub_SFcali) March 17, 2016
DUBSMASH VERSION 2.0 MAY KISS NA!!! #ALDUB35thWeeksary pic.twitter.com/PFEPKCZK2Y
— ALDUB|MAIDEN CANADA (@maiden16_Canada) March 17, 2016
Ilang sandali lamang, dumating na ang may-ari ng mansyon—si Caitlyn, ang asawa ng ama ni Yaya Dub na si Dodong.
Ayon kay Caitlyn, mula nang malaman ni Dodong na ipinagbibili ang mansyon, hinanap niya ito at saka binili at ipinaalagaan para maipamana sa kaniyang anak.
Laman pala ng box na na regalo ni Caitlyn kay Yaya Dub noong birthday nito ang Certificate of Transfer of Title, kung saan nakasaad na inililipat na ni Dodong at Caitlyn ang pagmamay-ari ng mansyon sa dalaga.
Masayang ibinalita sa mga Lola at kay Yaya Dub na maaari na silang bumalik sa mansyon, at babalik na sa ibang bansa si Caitlyn upang matulungan si Dodong sa kanilang negosyo.
Balik mansyon na sila Lola at Divina!
— Eat Bulaga (@EatBulaga) March 17, 2016
-- FRJ, GMA News