ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Loving husband

Ogie, nag-sample ng awiting 'Ikaw Ang Buhay Ko,' na alay niya kay Regine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," makikita kung papaano magkulitan ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Bisita ni Arnold Clavio sa studio si Regine habang nasa linya naman ng telepono si Ogie na sa una ay nagpakilala pang si "Carrot Man."

READ: Regine at Ogie, nais na bigyan ng pangalan ang kanilang unborn child

READ: Si Regine o si Ogie: Sino ang nag-i-i-spoil o nagdidisiplina kay Nate?

Ayon kay Ogie, nami-miss na niya ang asawa kahit ilang oras pa lang silang naghihiwalay. Nasa bahay lang daw ang singer-songwriter upang magbantay sa kanilang apat na taong gulang na anak na si Nate.

Nang tanungin ni Arnold kung senyales na ba ito na susundan na nila si Nate, sinabi ni Ogie na ginagawa na raw niya ang lahat pero wala pa.

Natatawang hirit naman ni Regine, "Mamaya 'pag uwi ko, humanda ka."

Masaya ring ibinalita ni Regine na kung dati ay mga kanta lang ang ginagawa ni Ogie bilang alay sa kaniya, ngayon daw ay idinidicate ni Ogie sa kaniya ang buong bago nitong album na may carrier single na, 'Ikaw Ang Buhay Ko."

Ipinadinig ni Ogie sa programa ang bahagi ng awitin, at nangako na ipo-promote ang album sa TWAC.

 
Tonight With Arnold Clavio 6th Anniversary: Regine Velasquez-A...

Maraming aaminin ang Asia's Songbird at Poor Señorita star na si Regine Velasquez-Alcasid ngayong gabi sa 6th anniversary special ng Tonight With Arnold Clavio! Bakit nga kaya palaging umuulan sa concert niya? Pero, teka, sino itong manghaharana kay Regine? Abangan ang kilig moments mamayang 10:15 PM sa GMA News TV-11!

Posted by Tonight With Arnold Clavio on Tuesday, March 15, 2016

 

Sa kaniyang mensahe kay Regine, binati ni Ogie ang mahal na asawa sa bago nitong primetime soap sa GMA na, "Poor Señority."

"Mahal congrats sa bago mong soap na 'Poor Señority.' I'm sure nami-miss ka na ng fans na lumabas ng primetime. Natutuwa naman ako na binigyan ka ng pagkakataon ng GMA na lumabas at I'm sure lagi ka namang mahusay," ani Ogie.

Dagdag pa niya, "'Wag kang mag-alala dito lang kami sa bahay habang nagtatrabaho ka. We're very very proud of you, we love you."

Bilang tugon na mensahe ni Regine, pabiro nitong pinasalamatan si Ogie sa paglalaba raw ng kaniyang mga panty at bra, at sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Nate.

Una nito, ipinaliwanag ni Regine na napagkasunduan nila ni Ogie na dapat may isa sa kanila na maiiwan kay Nate kapag may isa sa kanilang gagawa ng soap.

Sa seryosong pahayag ng Asia's Songbird, sinabi nito na nagpapasalamat siya sa pagiging very supportive at pagiging pasensiyoso nito sa kaniya.

"Kasi 'di ba kapag nasa industriya kang ito, mahirap makahanap ng partner na naiintindihan yung long hours of working. I'm not able to take care of him, I'm not able to take care of my son. So, thank you honey. I love you," saad ni Regine. -- FRJ, GMA News