ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Paolo Ballesteros reunites with daughter, brother in California


Muling nakasama ng “Eat Bulaga!” host na si Paolo Ballesteros ang kaniyang anak na si Keira nitong nakaraang linggo kasabay ng pagbisita niya sa Amerika para sa “Lolas of Kalyeserye visit California” concert series.

Nitong nakaraang taon lamang, nagpunta sa Amerika si Keira upang doon na manirahan kasama ang kaniyang ina na si Kaye Nevada.

Sandali ring nakasama ni Paolo ang kaniyang kapatid na si Jamie at ang buong pamilya nito, na nanood ng kanilang show sa California.

 

 
 
 
 
 
 

 

—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News