ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sandara Park shares details of upcoming Korean film 


Balik Pilipinas ang tinaguriang Pambansang Krung Krung at miyembro ng South Korean group na 2NE1 na si Sandara Park.
 
Bukod sa pag-endorso muli ng local apparel brand na Penshoppe, ibinahagi din ng dalaga na lalabas sa "summer" ang kaniyang pinaka-unang pelikula na pinamagatang "One Step."
 
"It's about music," aniya, "Lalabas siya sa summer, pero summer sa (South) Korea, so June or July."
 
Gaganap si Sandara bilang isang babaing nagkaroon ng amnesia matapos siyang maaksidente. Bukod dito, nagkaroon din siya ng chromesthesia o ang pagdinig sa mga tunog bilang kulay.
 
Natutuwa naman ang singer-actress na tungkol sa musika ang kaniyang unang pelikula at bilang patunay sa kaniyang hilig sa pagkanta, inawit niya ang kaniyang paboritong "Dadalhin"
 
 
Movie project sa Pilipinas?
 
Dagdag ni Sandara, wala siyang pagdadalawang isip na bumalik sa Pilipinas upang gumawa ng pelikula, sabay pabirong nagtanong kung nakikinig daw ba ang mga major studios sa kaniyang hiling.
 
"Lagi ko gusto bumalik sa Philippines to make a movie," saad ni Sandara, "Kung may chance, I would love to!"
 
 
Romantic comedy daw ang gusto niyang pagbidahan at kung mabibigyan din siya ng pagkakataon, nais din niyang mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng isang Koreanovela. 
 
Web drama pa lamang daw ang kaniyang nagagawa at gusto raw niyang maging bahagi ng malaking proyekto o masali sa isang TV show katulad ng "Descendants of the Sun."
 
Ang sikat na programa ay ipinalabas na rin sa Japan at China. Kamakailan lamang ay inanunsiyo ng GMA Network na malapit na rin itong ipalabas sa Pilipinas. — APG, GMA News
 
Tags: sandarapark