ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meryll Soriano debuts as director for music video

 


Bukod sa pagiging isang magaling na artista sa telebisyon at mga pelikula, isa naring ganap na direktor ang “That's My Amboy” actress na si Meryll Soriano.

Nitong nakaraang linggo, ipinasilip ni Meryll ang ilan sa mga eksena sa likod ng camera mula sa shooting ng music video na “Swept Away.”

Ayon kay Meryll sa isang Instagram post, “This marks a milestone. I am eternally grateful to the people who have helped me today. The whole production, crew, my saviour JP, our friends Marvin, Andrei and Fafi , my love Ricci, my dearest Carlo, Marc and my Baby Girl.”

“Napapailing na lang ako sa tuwa. Punong-puno and puso ko. Salamat, maraming maraming Salamat. #sweptaway,” dagdag pa niya.

 

 

Kabilang sa mga bumida sa nasabing video ang Pinoy musician na si Marc Abaya at batikang aktres na si Alessandra de Rossi.

Ayon kay Meryll, ito ang kaniyang “precious first journey” sa pagiging isang direktor.

 

 

 

This and everything in between. Thank you @_riccichan_. I love you so much.

A photo posted by Meryll Soriano (@planetumeboshi) on

 

— APG, GMA News