James Teng, bilib sa fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix
Puring-puri ng StarStruck heartthrob na si James Teng ang mga Ismol Family teen actors na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ng eksklusibong makapanayam ito ng GMANetwork.com.
Nagkaroon kasi ng guest appearance si James bilang si Nathan sa Ismol Family kung saan tila naging karibal siya ni Ethan sa puso ni Yumi.
Kuwento ni James, sobrang humbling experience na makatrabaho sina Miguel at Bianca dahil napaka-down to earth ng dalawang teen stars.
Ayon kay James, "Si Bianca nung una siyempre nate-tense ako kasi parang istrikta din si Bianca pero ang babait… Natutuwa ako kasi kahit super sikat na silang mga artista kinakausap pa rin nila kaming mga baguhan.”
Inamin din ng Kapuso actor na kinabahan siya na baka umani siya ng negative comments mula sa fans ng BiGuel, pero kabaliktaran daw ang nangyari at naging mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanyang guest character sa sitcom.
“Natakot ako diyan, super natakot kasi ako dahil ‘yung mga BiGuel fans parang solid fans na nakikita ko eh. Tapos nung nagte-tape kami iniisip ko paano kapag binash ako ng mga fans.”
Dagdag niya, “Pero nung na-airing na hindi naman ako binabash ng fans. Nakakatuwa sa BiGuel fans hindi sila yung nang-aaway. At least sila friendly sila, kahit may umeeksena dun sa love team na gusto nila hindi naman sila nang-aaway.” -- GMANetwork.com