Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri's messages to new Amihan, Pirena, Danaya
Inabangan ng marami nitong Lunes ang pagpapakilala sa mga artistang bubuo ng pinakabagong cast para sa 2016 remake ng Kapuso fantasy series na “Encantadia.”
Sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez ang mga gaganap bilang ang mga bida at magkakapatid na Sang'gre na sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.
Matatandaang ginampanan nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri ang mga nasabing karakter noong 2005.
Kasabay ng pag-aanunsyo ng mga magbibigay-buhay sa “Encantadia” sa ikalawang pagkakataon, nagpahatid ng pagbati ang original cast members sa mga napiling gumanap sa mga karakter na minahal ng mga Pilipino noong 2005.
congratulations @glaizaredux ????#EncantadiaReveal24Oras #Encantadia2016
— Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) April 4, 2016
Congratulations to the new sangres,hasne ivo live encantadia! ????????????????
— Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) April 4, 2016
Congratulations Kylie for being named the new AMIHAN!!! I now pass on the title to you! I'm sure you'll kill it!!! ???? @kylienicolep ????????
— Izadora Calzado (@MissIzaCalzado) April 4, 2016
Congratulations Sanya Lopez #newdanaya #EncantadiaReveal24Oras
— Diana Zubiri Smith (@DianaZubiri_) April 4, 2016
Pati ang ilang celebrities ay nasasabik na rin sa muling pagpapalabas ng “Encantadia” sa GMA Network.
Kabilang sa mga nagpahatid ng pagbati sa bagong cast ng nasabing programa sina Miss World 2014 Megan Young at Asia's Songbird at “Poor Señorita” star Regine Velasquez.
Loving the cast for #Encantadia2016! Grew up watching this show. @glaizaredux is PERFECT.
— Megan Young (@meganbata) April 4, 2016
Yhey @glaizaredux as Pirena ???? so happy for you
— regine alcasid (@reginevalcasid) April 4, 2016
Nagpasalamat naman ang mga bida ng programa sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga tagahanga ng “Encantadia.”
Pangako ni Kylie sa mga manonood, “ We will try our best to make you guys happy!”
Kabilang rin sa mga bubuo ng cast ng programa sina Ruru Madrid, Migo Adecer, Rocco Nacino, Rochelle Pangilinan, Pancho Magno, John Arcilla, Klea Pineda, Mikee Quintos, Kate Valdez, Marian Rivera, Dingdong Dantes, at marami pang iba.
Inaasahang mapapanood na ang inaabangang remake at retelling ng naturang Kapuso fantasy series ngayong taon, sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.
Maraming salamat sa lahat ng nag congratulate sakin ???? We will try our best to make you guys happy! #enca2016 xoxo Amihan.
— Kylie Nicole (@kylienicolep) April 4, 2016
Ang bilis ng tibok ng puso ko! Maraming salamat sa mga tweets!! ?????? #EncantadiaReveal24Oras
— Glaiza de Castro (@glaizaredux) April 4, 2016
Thank you po Lord ????????????
— Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) April 4, 2016
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News