ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LOOK: Is Ciara Sotto pregnant?


Hindi naiwasan ng ilang netizens na magtanong kung buntis nga ba si Ciara Sotto, at kung nagkabalikan na sila ng kaniyang mister na si Jojo Oconer dahil sa isang larawan na kaniyang ipinost sa Instagram.

Nitong Miyerkules, isang larawan kasi ang ipinost ni Ciara sa kaniyang IG account na nagpapakita ng umbok sa kaniyang tiyan.

May nakalagay na "peace sign" ang larawan.

 

??????

A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on

 

Ang ibang nagkomento, binati si Ciara at may nagtanong kung totoo siyang buntis, at kung nagsasama na silang muli ni Jojo.

Nitong kasing Enero, napabalita ang pag-alis ni Cia sa bahay nilang mag-asawa.

Kasama ang kanilang anak, bumalik si Ciara sa kaniyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Samantala, napag-alaman na ang larawan na "buntis" ni Ciara ay para sa karakter niyang si Daphne sa GMA daily series na Princess in the Palace, na pinagbibidahan ni Ryzza Mae Dizon. -- FRJ, GMA News